Regional

POLICEWOMAN NAHULI NG KANYANG MISTER NA PULIS NA KASIPING ANG KANYANG KABIT NA PULIS DIN SA LOOB NG KANYANG APARTMENTΒ 

Screenshot
Screenshot

 

Kasong adultery ang kinakaharap ngayon ng isang pulis na babae at ng kanyang kabit na pulis matapos silang mahuli sa akto ng kanyang asawa na pulis din na magkasama sa kama sa loob ng apartment na inuopahan ng babae sa isang subdivision sa Brgy. Bayanihan, Butuan City.

Ang pulis na babae ay may ranggong Patrolwoman, 31, nakatalaga sa Police Regional Office 13 (Caraga), habang ang kanyang sinasabing kabit ay may ranggong Police Staff Master Sergeant sa lungsod, na may asawa na rin at residente ng Barangay San Vicente sa nabanggit na lungsod – nakatalaga sa isa sa mga istasyon ng pulisya roon.

Naabutan sila ng mister ng babae na isang Patrolman, 27-taong-gulang, pasado alas-5:00 ng umaga nitong nakaraang Miyerkules, Hulyo 1, nang mag-sorpresa sanang umuwi ang naturang pulis mula sa kanyang assignment sa Tagum City, kung saan taga-roon din ang pulis na babae.

Ayon sa ulat, nagkaroon ng konprontasyon ang mag-asawa na mayroon nang anak ngunit bago pa lamang naikasal. Dahil nahuli sa akto ang dalawa, humingi ng police assistance ang mister sa Bayanihan Police Station ng Butuan City Police Office (BCPO) kaya inaresto ang magkarelasyon na mga pulis.

Ayon kay BCPO chief of police COL Richie Yatar, bukod sa kasong kriminal, maghahaharap din ng kasong administratibo ang nagkabit na pulis na tiyak na matatanggal sa serbisyo dahil sa paglabag na kanilang ginawa./CCO

πŸ“· ctto

Screenshot
(ang kalahoso na policewoman)

 

Screenshot
ang kabit na Police Master Sergeant