National

KUYA, GINILITAN NG LEEG NG ADING; AMA NAG-AALINLANGANG MAGSAMPA NG KASO

Inbound3192871822198517872

Imbes na magsaya para sa Bagong Taon, pagdadalamhati at pighati ang naranasan ng isang pamilya matapos gilitan sa leeg ng isang nakababatang kapatid ang kanyang sariling kuya.

Ang biktima ay kinilalang si Roniel Dumalasa, Jr., 21, binata, habang ang suspek naman ay ang kanyang nakababatang kapatid na si Niel Dumalasa, 18. Pareho silang residente ng Purok Presko, Barangay Datagan, Pagadian City.

Ayon sa imbestigasyon ng Pagadian City Police Station, nangyari ang insidente bandang ala-1:00 ng hapon noong Enero 1, 2026, malapit lang sa tahanan ng magkapatid matapos umanong uminom ang suspek kasama ang kanilang ama.

Ibinahagi ng ina ng magkapatid na si Maribeth na nagdilim ang paningin ng suspek dahil nagwala habang lasing ang biktima at binasagan ito ng baso matapos uminom ng softdrink, bukod pa sa pagputol nito ng isang wire.

Natutulog na sana ang biktima sa ibabaw ng puno ng mangga, ilang metro ang layo mula sa kanilang bahay, nang sundan ito ng suspek, inakyat, at ginilitan sa leeg gamit ang isang itak.

Nasaksihan ng kapatid na babae ng dalawa ang pangyayari at siya ang nagsumbong sa kanilang mga magulang.

Boluntaryong sumuko ang suspek sa mga awtoridad, ngunit ang kanilang ama na si Roniel Sr. ay nag-aalinlangang magsampa ng kaso dahil ayon sa kanya, anak din niya ang magdurusa sa kulungan.

“Ang buhay ay ituloy lang, ang patay ay ilibing na lang,” pahayag ng ama nang makapanayam ng mga mamamahayag na nakabasi sa nasabing lungsod


Inbound3192871822198517872

(ang nasabing magkapatid)

Inbound6032845873821318961

(ang puno ng mangga na natulog ang biktima ngunit inakyat ng suspek at ginilitan ng leeg)