Bastos, walang galang, walang modo at tahasang paninira lang ang ginawang patutsada ni Senadora Imee Marcos kay House Speaker Martin Romualdez.
Pwede namang tumuligsa na angkop pa din sa mabuting asal at katinuan ng pag-iisip ang bibigkasing mga salita, hindi yaong nakakasakit ng damdamin na galing sa isang taong mistulang naging lukaret dahil sa poot at galit.
Kung anu-anong kataga at deskripsyon na di angkop sa isang binoto ng taumbayan at ng kanyang mga kasama sa mababang kapulongan na dahil nga sa kanilang respeto at tiwala sa kanya – iniluklok na muli upang maging House Speaker.
Hindi mangmang at mga walang isip ang mga congressman, lahat sila mga propesyonal at may mga kanya-kanyang natatanging abilidad kaya nga sila nahalal.
Oo, hindi sila mga santo ngunit sino nga ba naman ang perpekto na tao? Ang siste pa nga ang nang alipusta ay ang alanganin ang pinag-aralan,Β hindi nakapagtapos ng abogasiya samantalang ang tinuligsa ay naging ganap na abogado mula sa tanyag na Pamantasan ng Pilipinas (UP) at kagyat na pumasa sa bar examinations noong 1993.
Bago pa man siya naging abogado, nagtapos ng Bachelor of Arts Major in Government sa Cornell University, USA at may Certificate of Special Studies in Administration and Management sa Harvard University, naging Chairman of the Board ng isang dating top performing commercial bank na kalaunan naging merger ng BDO at namuno din sa isang malaking kumpaniya at marami pang iba kaya hindi talaga matawaran ang kwalipikasyon at liderato ni Speaker Romualdez.
Samakatuwid hindi makatarungan na basta yurakan na lang ni Senadora Imee si Speaker Romualdez dahil habang alam ng madla na may ambisyon na maging Bise Presidente ni Imee sa 2028 todo serbisyo at nakatuon lang sa trabaho si Speaker Romualdez kaya nga kahit na tinawag siyang “Tambaloslos” noon ng tinaguriang “Inday Lustay” hindi niya ito binigyang pansin, patuloy lang sa kanyang gawain at responsibilidad kaya nga umakyat ang trust rating nito na siyang matibay na basehan kung papanong nakita ng taumbayan ang kanyang kasipagan at di pagpabaya sa kanyang sinumpaang tungkulin.
Taliwas naman yun sa isang senadora Marcos na kaya lang nanalo noong nakaraang elekyon dahil humalik sa p*w*t ng kanyang ipinagtanggol na dapat sana ay ma-impeached. Kung hindi pa sa kanilang kampanyang ITIM malamang sa pusaling marumi pupulutin si Imee. Mistulang gumapang sa maruming lusak para lang siya manalong tiyak. Eww. Yuck!